"22"
By Sir Emerson LaVilla Verastigue
Kay bilis nating nagkakilala
Kay bilis mo ring sa aki'y nawala
Nagsimula ang lahat sa puro saya
Natapos na animo'y hindi ako nakilala
Ninais makasama kita
Nangarap na mas makilala ka pa
Maipakita kung paano maging masaya
Iparamdam na mahal kita
Nagsimula na akong mangarap
Sa panaginip ika'y aking yakap
Ngunit wala na akong magagawa
'Pagkat ako'y nilisan mo na
Pinangarap na iyong balikat ay masandalan
Ginustong pigilan sa iyong paglisan
Ngunit iniwasan mo
Binalewala ang pagsamo ko
Sa maiksing panahon ako'y naging masaya
Naramdaman na kahit papaano sayo'y mahalaga
Ayaw kitang sa aki'y mawala
Ngunit wala na talagang magagawa
Ayaw mang ikaw sa aki'y mawala
Walang magawa pagkat ayaw mo na
Pagmamahal tuloy hindi naipadama
Pagkat ako'y nilisan mo na
Salamat sa pagpapangiti
Ngayon nadarama'y dalamhati
Sakit na nadarama'y 'di matimpi
Darating din ang araw ito'y mapapawi
Kay bilis nating nagkakilala
Kay bilis mo ring sa aki'y nawala
Nagsimula ang lahat sa puro saya
Natapos na animo'y hindi ako nakilala
Ninais makasama kita
Nangarap na mas makilala ka pa
Maipakita kung paano maging masaya
Iparamdam na mahal kita
Nagsimula na akong mangarap
Sa panaginip ika'y aking yakap
Ngunit wala na akong magagawa
'Pagkat ako'y nilisan mo na
Pinangarap na iyong balikat ay masandalan
Ginustong pigilan sa iyong paglisan
Ngunit iniwasan mo
Binalewala ang pagsamo ko
Sa maiksing panahon ako'y naging masaya
Naramdaman na kahit papaano sayo'y mahalaga
Ayaw kitang sa aki'y mawala
Ngunit wala na talagang magagawa
Ayaw mang ikaw sa aki'y mawala
Walang magawa pagkat ayaw mo na
Pagmamahal tuloy hindi naipadama
Pagkat ako'y nilisan mo na
Salamat sa pagpapangiti
Ngayon nadarama'y dalamhati
Sakit na nadarama'y 'di matimpi
Darating din ang araw ito'y mapapawi